Monday, March 10, 2008

serenata ng banda


palabas sa kubol


Palaro



komedya fiesta




up centennial opening






kumbaga sa play----ito ang climax

una nakakalungkot. oo. nakakalungkot kasi hindi ako umabot sa pagbili ng t-shirt.

pero mas importante kaysa dito ay ang launching. launching ng mga pinaghirapang proyekto. sa parteng ito medyo na-guilty talaga ako. dahil hindi ko naman talaga naramdaman ang buong hirap. sa tigin ko, ang nakaramdam talaga nito ay ang mga mismong gumawa ng video.

nandoon ang lahat ng importanteng tao sa kolehiyo pati na rin ang vice-mayor ng lungsod -herbert bautista.

nang ipakita ang lahat ng proyekto ng klase--- ang exhibit--film---ang kanta...

naisip kong tama lang naman na tawagin ang mga taga UP na mayabang. walang masama. kasi meron tayong ipagyayabang. basta ang importante, hindi tayo kainin nito.

at isa pa, natuto akong makita ang ganda ng ibang kolehiyo at makibagay sa mga taong ibang-iba kaysa akin.

hindi isang pagkakamali ang kumuha ng cwts sa kolehiyong hindi ka kabilang. hindi matututo ang isang tao kung walang pagbabago na nangyayari sa kanyang paligid.

hindi ko na sila ulit nakita


dahil sa miyembro ako ng data gathering group, trabaho namin na gawin ng mas maaga ang aming responsibilidad dahil ito ang pundasyon ng gagawing video.

pero hindi ko na ulit sila nakita.

bakit????


sa mga panahong ito, mas pinili naming gamitin ang teknolohiya. nagkaron kami ng yahoo group at doon namin inupload ang lahat ng kakailanganin ng grupong gagawa ng mismong video. pero hindi ibig sabihin nitong hindi namin sinikap na pag-usapan ang proyekto at magkita bilang isang grupo. aling beses din naming sinubok na magkita. kaya lang, hindi lahat ay informed.

mahirap ang walang alam


sinimulan ko na ang paggawa ng aking responsibilidad.
tulad ng inaasaha, nahirapan akong gawin ito sapagkat hindi ako pamilyar sa ginagalawan ko. at hindi tulad ng aking mga kagrupo, hindi ako magaling magpahayag ng nais sabihin lalo na kung harapan ito.

pero, hindi dapat pangunahan ng kawalang-alam. kahit hindi ko mahagilap ang chairman ng departamento , sinikap kong magtanong sa mga naroon sa departamento at mag-research sa internet.

matapos gawin ito, wala akong nagawa kundi...

humanga...

hindi sa aking sarili...

kundi sa departamento...

responsibilidad

tulad ng kahit anong trabaho, mas mapapadali ito kung hahatiin ang gawain sa lahat ng miyembro. ganon nga ang ginawa ng aming grupo. mayroong grupo na gagawa ng mismong video, may grupo din para sa data gathering. (accomplishments ng bawat departamento, mga larawan at tugtog na gagamitin)

bawat departamento ay may nakatoka. at matapos pumili ng lahat.... natira sa akin ang departamento ng antropolohiya.

saan ako kabilang


pangarap.

ang cwts ko ngayon, yun ang pangarap ko last sem.
galing ako sa eng'g pero mas ginusto kong kumuha ng cwts sa cssp dahil hindi ko pinangarap ang cwts na rapelling. mas gusto ko ang community service. gusto kong gumawa para sa iba.

ano ba ang pangarap ko last sem? pangarap ko ang community service na hindi sa labas ng campus. pangarap ko ang community service dito mismo sa campus, sa selebrasyon ng ika-1oo taon ng UP. pangarap na natupad.

pagtamasa ng natupad na pangarap. hinati kami sa iba't-ibang grupo. meron para sa exhibit, website at publicity... pero kabilang ako sa film tribute group. layunin ng grupo na gumawa ng isang film tribute para sa cssp kung saan nakalagay dito ang mga maipagmamalaki ng bawat departamento ng cssp.

sa totoo lang, hindi ako ganon ka-komportable noong una. gumagalaw ako sa mundong hindi akin. pero natuwa ako na sa mundong ito na hindi ko pagmamay-ari, nakatira ang mga taong malawak ang pag-iisip... natatangi... kakaiba.